SAMAFIL (Samahan ng Mag-aaral sa Filipino)
Republika ng Pilipinas
PANG-ESTADONG KOLEHIYO NG SORSOGON
Samahan ng Mag-Aaral sa Filipino
Kampus ng Sorsogon
Lungsod ng Sorsogon
Konstitusyon at Batas
ARTIKULO I
PANGALAN, LAYUNIN AT TUNGUHIN
Sek. 1: Ang Pangalan ng Opisina ay kailangang tawaging Samahan ng Mag-Aaral sa Filipino (SAMAFIL).
Sek. 2: Ang lugar ng organisasyon ay kailangang nakapangalan sa Sorsogon State College, Sorsogon Campus.
Sek. 3: Layunin ng Samahan na matiyak ang buong partisipasyon ng lahat ng miyembro para sa kasiyahan at tunguhin ng benepisyo ng SAMAFIL.
Sek. 4: Mahasa ang kaalaman sa wika, panitikan at kultura ng bansa.
Sek. 5: Mahalin ng may pagmamalaki an gating mayamang kulturang minana at magpunyagi upang manatili ang pagbasa at pag-unawa sa kultura ng iba.
Sek. 6: Huwag gagamitin ang karahasan at pagpapahirap para matamo ang layunin ng organisasyon.
Sek. 7: Itaguyod ang kapangyarihan ng kataas-taasang awtoridad na alinsunod sa kasalukuyang batas na ipinatutupad.
ARTIKULO II
PAGKAKAANIB
Sek. 1: Lahat ng Mag-aaral ng SSC – Sorsogon Campus, na kumukuha ng pagpapakadalubhasa sa Filipino ay awtematikong miyembro ng organisasyon.
Sek. 2: Kinakailangang makiisa sa mga alituntunin ng samahan bilang kasapi at may pagpapahalaga sa organisasyon.
ARTIKULO III
KORUM
Sek. 1: Sa pagpapatawag ng pulong ng pangulo ng samahan kinakailangan ang konkretong bilang ng miyembro ng organisasyon. Hahatiin ang bilang ng miyembro sa dalawa at dadagdagan ng dalawang bilang
ARTIKULO IV
OPISYAL, KWALIPIKASYON AT OBLIgasyon
Sek. 1: Sa pagpili ng mga opisyal ng samahan kinakailangang naaayon sa pagdedesisyon sa miyembro ng samahan.
Sek. 2: Ang mga inihalal na opisyal ay kinakailangang taglayin ang mga sumusunod:
2.a Lehitimong miyembro ng SAMAFIL.
2.b May malawak na kaalaman sa responsibilidad ng isang opisyal.
2.c Maasahang gagawin ang responsibilidad na posibleng maiatang sa kaniya.
2.d May pagkukusa sa anomang gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng samahan..
Sek. 3: Ang Pamunuan ng SAMAFIL ay binubuo ng mga sumusunod na opisyal:
3.a Pangulo
3.b Pangalawang Pangulo
3.c Kalihim
3.d Pangalawang Kalihim
3.e Ingat – Yaman
3.f Pangalawang Ingat – Yaman
3.g Tagasuri
3.h Tagapangasiwa
3.i Tagapagbalita
3.j Tagapamagitan
3.k Lakambini at Lakan
Sek. 4: Ang Pangulo:
4.a Kinakailangang dumalo at makilahok sa General Assembly at Executive Board Meetings.
4.b Kinakailangang magpatawag at dumalo sa mga pagtitipon.
4.c Kinakailangang maging kinatawan ng organisasyon sa mga gawain sa loob at labas ng kolehiyo.
4.d May kapangyarihang magbigay utos sa mga komiti.
4.e Kinakailangan mamuno at mamahala sa mga gawain ng organisasyon.
4.f Kinakailangang gamapanan ang iba pang iniatang ng mga miyembro at tagapayo ng organoisasyon.
Sek. 5: Ang Pangalawang Pangulo:
5.a Kinakailangang patnubayan ang pangulo sa kaniyang tungkulin.
5.b Kinakailangang gampanan ang tungkulin ng pangulo sa sumusunod na kadahilanan: bigalang pagkamatay, panandaliang kawalan ng lakas, pagbitiw, pagliban, o kawalang kakayahang mamuno sa nasabing pamunuan.
5.c Pagkilos bilang pinunong tagapamagitan sa gawain ng organisasyon.
5.d Pagsagawa ng iba pang gawain, kapangyarihan at tungkulin na nakatalaga.
Sek. 6: Ang Kalihim
6.a Kailangang itala at itago ang anomang detalye ng pinag-usapan sa pulong.
6.b Siya ang opisyal na tataga sa mga dokumento, tala, at iba pang papel na pag-aari ng organisasyon.
6.c Tagahanda at taga-isyu ng mga awtorisadong papel o sulatin.
6.d Kapag nagkaroon ng pagpupulong kinakailangan ng talaan ng mga dumalo gayundin sa iba pang gawain.
Sek. 7: Ingat – Yaman
7.a Kailangang itago ang pondo at lahat ng mga mahahalagang detalye tungkol sa pinasyal na kondisyon ng organisasyon.
7.b Kailangang mangolekta ng tamang pera at may kalakip itong opisyal na resibo at kailangang i-deposito ang lahat ng nakolekta o kaya ay itago ito.
Sek. 8: Pangalawang Kalihim at Pangalawang Ingat – Yaman
8.a Kailangang tulungan ang kalihim at ingat – yaman.
8.b Kailangang makipag-usap sa kalihim at ingat – yaman sakaling may gusting bumitiw sa pwesto.
Sek. 9: Tagasuri
9.a Kailangang imbestigahan at ayusin ang pondo at ang gastos ng organisasyon.
9.b Kailangang isuspende ang mga bayarin kung may kinalaman sa pinag-usapan ng organisayon.
Sek. 10: Gawain ng Tagapagbalita ayon sa mga sumusunod:
10.a Mangalap ng impormasyon batay sa organisasyon para malinang ang magandang pakikitungo sa bawat miyembro.
10.b Siya ang tagapagsalita sa karamihan habang nasa pulong.
10.c Gawin ang mga Gawain at responsibilidad na ibinibigay sa kaniya.
Sek. 11: Gawain ng Tagapamagitan:
Sa lahat ng mga gawain na gagawain at mga proyekto, siya ang tatayong chairman o co-chairman sa bawat komiti.
Sek. 12: lahat ng opisyal sa organisasyon ay gagawin ang responsibilidad na nakaatang o ibinigay sa kanila.
ARTIKULO V
PAGHALAL NG OPISYAL
Sek. 1: Ang Samahan ay nagkakaroon nagkakaroon ng taunang pagpupulong tuwing buwan ng Hunyo sa paghalal ng bagong pamunuan na pinangungunahan ng kasalukuyang tumatayong pangulo.
Sek. 2: Ang pangkalahatan at palagiang paghalal ng mga opisyal ay dapat gawin ng taunan.
2.a Ang mga opisyal ay dapat ihalal ng lahat ng rehistradong miyembro ng organisasyon.
2.b kahit sinong nominado/kandidato na magkamit ng pinakamataas na boto ay siyang tatanghaling panalo sa posisyong siya ay nominado.
2.c Ang nanalong opisyal ay kailangan manumpa sa Induction Ceremony.
ARTIKULO VI
PAG-ALIS SA PWESTO
Sek. 1: Sa pagpetisyon kailangan ng 2/3 na boto mula sa mga opisyal.
Ang mga opisyal ay maaaring maalis sa kaniyang pwesto sa pamamagitan ng pagpapaalis sa pwesto batay sa:
1.a Sariling kagustuhan na hindi sumunod sa konstitusyon
1.b Ginagamit ang kaniyang posisyon sa kaniyang pansariling kagustuhan.
1.c Pagpapabaya sa kaniyang tungkulin.
1.d Kawalan ng kakayahang mamuno.
1.e Kakulangan sa pamumuno.
1.f Walang sariling disiplina.
1,g Pagiging hindi matapat sa organisasyon.
ARTIKULO VII
FACULTY/STAFF ADVISER
Sek. 1: Ang samahan ay taunang nagrerekomenda ng mga pagpipilian upang maging tagapayo ng samahan.
Sek. 2: Kinakailangang ang pagpipiliang tagapayo ay may mga sumusunod na kwalipikasyon:
2.a Matagal ng Guro sa Filipino.
2.b Nagtuturo sa SSC at dalubhasa sa Filipino.
2.c May laang oras upang masubaybayan ang bawat hakbang na ginagawa ng semahan.
ARTIKULO VIII
BAYARIN
Sek. 1: Bilang miyembro ng samahan inaatasan ang bawat isa na magbayad ng butaw sa kaukulang halagang limampung piso (P50.00) upang makilala sa executive board.
ARTIKULO IX
PAGPUPULONG
Sek. 1: Ang Samahan ay kinakailangang magkaroon ng pagpupulong tuwing Miyerkules ng hapon ganap na alas singko hanggang alas sais ng hapon.
Sek. 2: Tunguhin ng bawat pagpupulong ang masubaybayan ng bawat miyembro ng samahan ang bawat aksyon na ginagawa ng pamunuan.
ARTIKULO X
KOMITE
Sek. 1: Lahat ng aktibidades/palatuntunan na isasagawa ng samahan ay nararapat na ang pangulo ang siyang chairman ng komite.
ARTIKULO XI
KARAPATAN AT PREBELIHIYO
Sek. 1: Bawat miyembro ay kailangang masiyahan sa sumusunod na karapatan at prebelihiyo.
1.a Malayang makilahok sa mga gawain, pagsasanay, pulong at iba pang gawain ng organisasyon.
1.b Magkaroon ng sapat na kaalaman sa polosiya, programa at proyekto ng organisasyon.
1.c Maipakita ang mga mungkahi nabuong pagpuna sa alinmang komite, opisyal at kinatawan ng organisasyon.
Sek. 2: Lahat ng miyembro ay nasisiyahan sa mga karapatan at prebelihiyo hanggat hindi lumalabag sa mga probisyon ng konstitusyon sa anomang paraan.
Sek. 3: Lahat ng miyembro ay mayroong sapat at pangkalahatang karapatan sa paghalal sa lahat ng bagay na saklaw ng organisasyon.
ARTIKULO XII
AMYENDA
Sek. 1: Kapag ang samahan ay may nais idagdag sa konstitusyong ito kinakailangan ang paglahok ng pamunuan ng SAMAFIL at ang mga bumubuo ng samahang ito.
Sek. 2: Ang pag-amyenda ng konstitusyon at batas ay sa pamamagitan lamang ng mga Executive Board Officer para marebisa.
Sek. 3: Para maging balido ang pag- amyenda ng konstitusyon kailangan ng 2/3 na boto mula sa opisyal na miyembro ng organisasyon.
ARTIKULO XIII
RATIPIKASYON
Sek. 1: Kapag ang samahan ay may babaguhin sa konstitusyon kinakailangan ang paglahok ng Pamunuan ng SAMAFIL.
ARTIKULO XIV
OPISYAL NA LOGO
Sek. 1: Ayon sa Artikulo XII, Sek. 1 – 3 na pinahihintulutang magdagdag, may baguhin sa Konstitusyon at Batas ng SAMAFIL, ang artikulong ito ay matagumpay na nailagay dahil sa balidong boto ng Pamunuan ng SAMAFIL.
Sek. 2: Ang artikulong ito ay magiging Pamantasan ng pagkilala sa SAMAFIL sa SSC – Sorsogon Campus, bilang uri ng simbolo o logo na maitatak sa opisyal na dokumento , damit at tarpaulin ng samahan.
Sek. 3: Ang logong ito ay maaari lamang gamitin ng mga opisyal na miyembro ng organisasyon – mga Mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino kabilang ang Tagapayo at mga guro sa Filipino.
Sek. 4: Ito’y maaaring ipatupad at gamitin sa mga susunod pang mga taon at administrasyon ng samahan.
ARTIKULO XIV
ANG LOGO
Sek. 1: Ang organisasyon ay mayroong kulay na Bughaw, Pula, Dilaw, Puti, Berde at Itim.
Sek. 2: Ang Hugis Bilog na Seal
Ito’y pumapalibot sa buong bahagi ng logo na nangangahulugang patuloy ang pagtayo ng organisasyon bilang isang matatag na samahan na may adhikaing paunlarin at palaganapin ang kamalayan sa Wika, Panitikan at Kultura ng bansa sa taong nakapalibot ditto sa mga institusyon.
Sek. 3: Dahon ng Laurel
Inirerepresinta nito ang labing-isang (11) indibidwal na sumang-ayong gawing opisyal ang logo. Sila ang opisyal ng Pamunuan ng SAMAFIL taong 2012 – 2013.
Sek. 4: Sorsogon State College at SAMAFIL
Ito’y pagkilala sa minamahal na Alma Mater ng pinagmulan din ng organisasyon. At walang takot na ipakilala at ipagmalaki sa bawat tao saanman mapunta ang organisasyon.
Sek. 5: Alibata
Ito’y pagkilala sa pinagmulan ng Wika at Pambansang panulat ng Pilipinas mula sa Malayo – Polynesian na estado ng bansa.
Sek. 6: Pambansang Watawat ng Pilipinas
Simbolo ng lakas ng pagka-Pilipino.
Sek. 7: Taon
Simbolo ng presenting administrasyon.